Miyerkules, ika-4 ng Enero, 2017, hinirang ni Punong Ministro Theresa Mary May ng Britanya ang beteranong diplomata na si Tim Barrow bilang bagong embahador ng Britanya sa Unyong Europeo (EU).
Ayon sa isang pahayag ng Tanggapan ng Punong Ministro ng Britanya, si Barrow ang nanungkulan minsan bilang embahador ng Britanya sa Rusya, at siya ang isang mahusay na negosyador. Ipinahayag naman ni Barrow ang pag-aasang makikipagtulungan sa mga kinauukulang departamento ng Britanya para maigarantiya ang tagumpay ng talastasan sa "BREXIT."
Ayon sa tagapagsalita ng pamahalaang Britaniko kahapon, nagbitiw sa tungkulin si Ivan Rogers bilang embahador sa EU, pero hindi isiniwalat niya ang konkretong dahilan ng pagbibitiw ng tungkulin.
Salin: Vera