|
||||||||
|
||
Brussels, Belgium — Binuksan nitong Huwebes, Oktubre 20, 2016, ang European Union (EU) Summit. Humarap sa kauna-unahang pagkakataon sa summit si Theresa May, bagong Punong Ministro ng Britanya.
Ayon sa isang pahayag sa summit, pag-iibayuhin ang pamamahala at pagkontrol sa hanggahan ng EU at mga dayuhang bansa upang pigilin at sawatain ang mga ilegal na mandarayuhan sa linyang panlupa at pandagat. Ipinahayag din ni Donald Tusk, Tagapangulo ng European Council, na dapat magkaisa ang lahat ng kasaping bansa upang harapin ang refugee crisis.
Magugunitang hindi tinalakay sa summit ang tungkol sa pagtalikod ng Britanya sa EU. Ayon sa regulasyon ng EU, kung opisyal nang sisimulan ng Britanya ang proseso ng "pagtalikod sa EU," saka lamang magkakaroon ng pundasyon ang dalawang panig sa kinauukulang talastasan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |