|
||||||||
|
||
Ipinahayag nitong Biyernes, Disyembre 2, 2016, ni Boris Johnson, Ministrong Panlabas ng Britanya, na hindi aalis ang kanyang bansa sa arenang pandaigdig dahil sa "pagtalikod sa Unyong Europeo (EU)." Aktibo aniyang makikilahok ang Britanya sa pangangalaga sa kasalukuyang kaayusang pandaigdig.
Sa unang foreign policy speech sa Chatham House sapul nang kanyang panunungkulan, ipinahayag ni Johnson na makaraang "tumalikod sa EU," mananatili pa rin itong pangunahing puwersa sa arenang pandaigdig. Sa pundasyon ng pagkakaibigan at malayang kalakalan, itatatag nito at EU ang bagong relasyon, aniya.
Dagdag pa niya, sa panahon ng paghahanda nitong "tumalikod sa EU," hindi hahadlangan ng Britanya ang patakarang pandepensa at diplomatiko ng Europa. Bukod dito, aktibo nitong tutupdin ang obligasyon nito sa North Atlantic Treaty Organization (NATO).
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |