Ayon sa China News Service, inilunsad ng Tsina ang No.2 Communication Technology Testing Satellite sa Xichang Launching Center, Enero 5, 2017. Isinabalikat ng Long March-3B Carrier Rocket ang nasabing paglunsad.
Bilang bagong henerasyong communication satellite ng Tsina, ito ay gagamitin sa larangan ng satellite communication, broadcast at television, data transmission, at pagkakaloob ng karanasan at datos sa pagsubok ng multifrequency band at high speed transmission ng datos sa wide-band communication system.