Bilang tugon sa dumadalas na pagpupuslit ng droga sa transportasyong pandaigdig sa lupa, karagatan, at himpapawid, isinagawa ng Tsina at Biyetnam ang ikatlong magkasamang pakikibaka laban sa droga sa mga purok-hanggahan, mula noong Setyembre 10-Disyembre 9, 2016.
Ipinahayag, Enero 5, 2017 sa Guangzhou, kabisera ng lalawigang Guangdong, Tsina, ng mga may-kinalamang departamento ng Tsina at Biyetnam ang regular na pagsasagawa ng nasabing pagtutulungan sa hinaharap. Samantala, ibayong ipapaalam anila ng dalawang panig ang mga katugong patakaran at karunungan hinggil sa pakikibaka sa droga, sa mga mamamayan sa purok-hanggahan.