Huwebes, ika-15 ng Disyembre, 2016, naisaoperasyon ang linya sa pagitan ng Kunming at Yuxi, bahagi ng pandaigdigang daambakal ng Tsina, Biyetnam at Laos. Nang araw ring iyon, nagsadya sa Hekou, border port ng Tsina at Biyetnam, ang unang treng "K9832" sa pagitan ng Kunming at Hekou North.
88 kilometro ang kabuuang haba ng linya ng daambakal sa pagitan ng Kunming at Yuxi, at ito ang komong bahagi ng pandaigdigang daambakal sa pagitan ng Tsina't Biyetnam, at Tsina't Laos.
Ang pagsasaoperasyon ng nasabing daambakal ay palatandaang isinakatuparan ang elektripiksyon ng nasabing linya ng daambakal, at naging maikli ang oras ng biyahe ng mga treng pampasahero.
Salin: Vera