Ipinahayag Sabado, Enero 7, 2017 ng National Health and Family Planning Commission (NHFPC) ng Tsina na sa susunod na yugto, pahihigpitin ng Tsina ang paglaban sa polusyon sa hangin na gaya ng pagtatakda ng istandard ng mga produkto ng pangangalaga sa kalusugan, pagpapalaganap ng mga kaalaman hinggil sa proteksyon sa sarili at pagdaragdag ng pondo sa pananaliksik sa polusyon.
Ipinahayag ni Mao Qun'an, Tagapagsalita ng NHFPC, na sapul noong 2013, sinimulan nito ang proyekto ng pagmomonitor sa epekto ng polusyon ng hangin sa kalusugan ng mga tao. Ito aniya ay para magkaloob ng mga basehan para sa mga hakbangin sa pagpigil at pagkontrol sa polusyon.
Sa kasalukuyan, ang nasabing proyekto ay sumasaklaw sa 31 lalawigan at munisipalidad ng buong bansa na kinabibilangan ng 125 istasyon ng pagmomonitor.