Si Xie Zhenhua (ikalawa sa kaliwa) at iba pang opisyal Tsino sa suliranin ng pagbabago ng klima
Sa preskong idinaos kahapon, Miyerkules, ika-23 ng Disyembre, 2015 sa Beijing, ipinahayag ni Xie Zhenhua, Espesyal na Kinatawan ng Tsina hinggil sa Pagbabago ng Klima, na ang mga target na itinakda ng pamahalaang Tsino para sa aksyon laban sa pagbabago ng klima ay makakatulong sa paglutas sa polusyon sa hangin.
Ayon kay Xie, kabilang sa naturang mga target ay ang pagbabawas ng 60% hanggang 65% na emisyon ng carbon dioxide per GDP hanggang 2030. At pagpapa-abot sa 20% ng proporsiyon ng paggamit ng renewable energy sa primary energy.
Sinabi ni Xie na batay sa pagtaya ng mga eksperto, kung isasakatuparan ang naturang mga target, mababawasan nang 42% ang polusyon sa hangin sa Tsina. Dagdag pa niya, kung ipapatupad ang mga hakbangin ng pagsasaayos ng estruktura ng paggamit ng enerhiya, pagbabago ng paraan ng pagpapaunlad ng kabuhayan, at pagbabago ng paraan ng pamumuhay, malulutas ang mga umiiral na problemang pangkapaligiran sa Tsina.
Salin: Liu Kai