Ipinahayag Sabado, Enero 7, 2017 sa Antananarivo, Madagascar ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na winewelkam ng kanyang bansa ang paglahok ng mga bansang Aprikano sa konstruksyon ng "Belt and Road" Initiative.
Pagkatapos ng kanyang pakikipagtagpo kay Béatrice Atallah, Ministrong Panlabas ng Madagascar, sinabi ni Wang na ang"Belt and Road" Initiative ay naglalayong isakatuparan ang komong kaunlaran at kasaganaan. Naniniwala aniya siyang makikinabang ang mga bansang Aprikano sa konstruksyon ng "Belt and Road" Initiative.
Ipinahayag din ni Wang na narating ng dalawang bansa ang nagkakaisang posisyon hinggil sa paglahok ng Madagascar sa konstruksyon ng "Belt and Road" Initiative. Dagdag pa niya, pahihigpitin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa imprastruktura at kakayahan sa pagpoprodyus sa hinaharap.