|
||||||||
|
||
Sa Dar es Salaam, Tanzania—Idinaos dito Martes, Agosto 9, 2016, ang China-Africa Public Diplomacy Forum (CAPDF) na magkasamang itinaguyod ng China Public Diplomacy Association (CPDA) at China Radio International (CRI).
Ang paksa ng CAPDF ay "Kooperasyon at Win-win Situation, Magkasamang Pag-unlad, at Matatag na Pagpapasulong ng Konstruksyon ng Komprehensibong Estratehikong Partnership ng Tsina at Aprika."
Ipinahayag ni Hu Bangsheng, Pangalawang Presidente ng CRI, na palagiang pinahahalagahan ng CRI ang pagkaloob ng serbisyong pangmedia sa rehiyong Aprikano. Sinabi pa niyang dapat pahigpitin ng mga media ng Tsina at mga bansang Aprikano ang kooperasyon para ipakita sa daigdig ang komprehensibo, obdiyektibo, at tumpak na imahe ng Tsina at Aprika.
Sinabi naman ni Ayubu Rioba, Presidente ng Tanzania Broadcasting Corporation (TBC), na kulang ang mga bansang Aprikano sa puwersa ng pagpapakita ng tunay na kalagayan ng Aprika sa komunidad ng daigdig. Dagdag pa niya, ang Tsina at Aprika ay tunay na magkaibigan.
Ang porum na ito ay naglalayong isakatuparan ang mga bunga ng Johannesburg Summit ng Forum on China-Africa Cooperation na gaya ng pagpapasulong ng pagkaunawaan at pagkakaibigan ng dalawang panig at pagpapahigpit ng kanilang mga kooperasyon.
Dumalo sa porum na ito ang mga kinatawan ng Tsina, Tanzania, Timog Aprika, Ethiopia, Namibia, Kenya at Nigeria.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |