Ayon sa pinakahuling datos na inilabas ng pamahalaang Thai, Linggo, Enero 8, 2017, 19 katao na ang nasawi sa baha sa dakong timog ng bansang ito, samantalang, 1 ang nawawala.
Mula unang araw hanggang ika-8 ng Enero, sinalanta ng baha ang 10 lalawigan sa dakong timog ng bansa at apektado ang pamumuhay ng halos 960 libong mamamayan.
Bukod dito, apektado rin ang mga imprastruktura, bukirin, at pabahay.
Inilaan ng pamahalaang Thai ang halos 560 libong dolyares para sa pangkagipitang pagsaklolo. Sa kasalukuyan, isinasagawa ng halos 3,569 kawal ang gawaing panaklolo.