Sa pagtataguyod ng Embahada ng Tsina sa Biyetnam at pamahalaang munisipal ng Hanoi, idinaos Lunes ng gabi, ika-9 ng Enero 2017, sa Hanoi, Biyetnam, ang 2017 Happy Spring Festival art performance. Nagtanghal ang mga alagad ng sining ng Tsina at Biyetnam.
Sa kanyang talumpati sa aktibidad, sinabi ni Hong Xiaoyong, Embahador ng Tsina sa Biyetnam, na ang Spring Festival ay mahalagang kapistahan para sa kapwa mga mamamayang Tsino at Biyetnames. Umaasa aniya siyang, ang aktibidad na ito ay makakapagdulot ng magandang hangarin at kaligayahan sa mga mamamayang Biyetnames.
Salin: Liu Kai