Sinimulang isaoperasyon kahapon, Biyernes, ika-6 ng Enero 2017, sa lalawigang Bac Giang, sa hilagang bahagi ng Biyetnam, ang pabrika ng paggawa ng bateriya, na pinamumuhunanan ng Trina Solar Limited ng Tsina.
100 milyong Dolyares ang pamumuhunan sa naturang pabrika. Ito ay pinakamalaking proyekto ng paggawa ng bateriya sa Biyetnam. Lumikha ito ng halos 900 trabaho sa lokalidad, at nagdulot ng maunlad na production capacity sa Biyetnam. Ang mga produkto ng pabrikang ito ay, pangunahin na, ibebenta sa Amerika at Europa.
Sa seremonya ng pagsasaoperasyon ng pabrika, si Nguyen Van Linh, Tagapangulo ng panlalawigang komite ng bayan ng Bac Giang, ay nagbigay ng positibong pagtasa sa pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino. Aniya, nagdulot ang mga bahay-kalakal na ito ng mga sulong na industriya, at pinahahalagahan din nila ang pakikitungo sa mga manggagawa at pangangalaga sa kapaligiran. Umaasa aniya siyang patuloy na mamumuhunan sa kanyang lalawigan ang mga bahay-kalakal na Tsino.
Salin: Liu Kai