Sinabi nitong Huwebes, Enero 12, 2017, ng Ministri ng Diplomasya at Kooperasyong Pandaigdig ng Cambodia, na sa gaganaping "World Economic Forum (WEF)," ididispley at ipo-promote ni Punong Ministro Hun Sen ang temang "Cambodia: Rising Star of Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)."
Ayon sa nasabing pahayag, sa paanyaya ni Klaus Schwab, Founder at Executive Chairman ng WEF, pamumunuan ni Hun Sen ang delegasyong Kambodyano sa pagdalo sa "2017 WEF" na idaraos sa Davos, Switzerland mula ika-17 hanggang ika-20 ng kasalukuyang buwan.
Salin: Li Feng