|
||||||||
|
||
Sina Zhang Dejiang (kanan sa litrato), Miyembro ng Standing Committee ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Paritdo Komunista ng Tsina (CPC), at Tagapangulo ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), at Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV).
Sa kanyang pakikipagtagpo, sinabi ni Zhang na pinahahalagahan ng NPC ang pagpapasulong ng mainam na relasyon sa Parliamento ng Biyetnam. Nakahanda aniya ang panig Tsino, na patuloy na panatilihin ang mahigpit na pagpapalagayan para palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal, isakatuparan ng mga mahalagang komong palagay ng dalawang partido at pahigpitin ang pagpapalitan sa mga karanasan.
Sinabi naman ni Nguyen na dapat isakatuparan ng dalawang panig ang mga mahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa at dalawang partido at pahigpitin ang mainamna kooperasyon ng mga Parliamento ng dalawang bansa.
Sina Wang Qishan (kanan sa litrato), Miyembro ng Standing Committee ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Paritdo Komunista ng Tsina (CPC), at Kalihim ng Central Discipline Commission ng Partido Komunista ng Tsina, at Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV).
Sa kanyang pakikipagtagpo, inilahad ni Wang ang kalagayan at mga karanasan ng Tsina sa paglaban sa korupsyon.
Hinangaan ni Nguyen ang mga natamong bunga ng Tsina sa naturang larangan. Nakahada aniya ang Biyetnam na palalimin, kasama ng Tsina, ang pagpapalitan sa mga gawaing pampartido at paglaban sa korupsyon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |