Nagpadala Biyernes, Enero 13, 2016 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng liham kay Haring Maha Vajiralongkorn ng Thailand bilang pakikiramay sa malubhang baha sa dakong timog ng bansang ito.
Sa kanyang liham, ipinahayag ni Xi, sa ngalan ng pamahalaang Tsino at kanyang mga mamamayan, ang taos-pusong pakikiramay sa mga kamag-anak ng mga biktima at mga apektadong mamamayag Thai sa baha.
Sinabi ni Xi na nakahanda ang Tsina na magkaloob ng mga tulong batay sa aktuwal na pangangailangan ng Thailand sa gawaing panaklolo. Naniniwala aniya siyang sa ilalim ng pamumuno ng Hari at Pamahalaan ng Thailand, siguradong matatagumpayan ng mga mamamayang Thai ang kalamidad ng baha.