Mula Enero 1 hanggang ngayon, ayon sa pinakahuling estadistika ng departamento ng pagpigil at pagbabawas sa epekto ng likas na kapahamakan ng pamahalaang Thai, hanggang ika-12 ng buwang ito, 119 na county, mahigit 5,000 nayon, halos 400 libong pamilya at 1.2 milyong mamamayan sa 12 lalawigan sa katimugan ng Thailand ang apektado ng baha. Bukod dito, halos 600 lansangan at mahigit 100 tulay ang nasira. Ito ang pinakagrabeng baha na nanalanta sa katimugan ng Thailand nitong nakalipas na 30 taon. Bukod pa riyan, 36 katao ang naiulat na nasawi, samantalang 1 ang nawawala.
Tinaya ng Rangsit University ng Thailand na ang grabeng baha sa timog ng bansa ay nagbunga ng 85 bilyon hanggang 120 bilyong baht (halos 2.4 bilyon hanggang 3.38 bilyong dolyares) na kapinsalaan. Bumaba ng 0.58% hanggang 0.84% ang Gross Domestic Product (GDP) dahil dito.
Salin: Vera