Davao — Ipinatalastas nitong Linggo ng hapon, Enero 15, 2017, ni Pangulong Rodrigo Duterte na mula araw sa ito, nagsimulang manungkulan ang Pilipinas bilang bansang tagapangulo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ayon sa pahayagang "Business World," ipinangako ni Duterte na pasusulungin ang seguridad at pangangasiwa sa karagatan alinsunod sa batas sa dagat. Hiniling din niya sa mga ASEAN dialogue partners na kinabibilangan ng Amerika, na huwag manghimasok sa mga suliranin ng ASEAN.
Ayon sa naunang ulat, sa isang magkasanib na preskong idinaos nitong Huwebes, Enero 12, 2017 nina Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon at Pangulong Duterte, ipinahayag ng una ang pag-asang mailalakip ang isyu ng South China Sea sa agenda ng ASEAN Summit. Ngunit bago ito'y malinaw na ipinahayag ng pamahalaang Pilipino na sa panahon ng panunungkulan nito bilang bansang tagapangulo ng ASEAN, hindi nito ilalakip ang nasabing isyu sa agenda ng ASEAN Summit.
Salin: Li Feng