Sinimulan Huwebes, ika-12 ng Enero, 2017, ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon ang kanyang biyahe sa 4 na bansang kinabibilangan ng Pilipinas, Australia, Indonesia at Biyetnam. Huwebes ng hapon, dumating ng Pilipinas si Abe, at nakipag-usap kay Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas. Ipinahayag ni Abe na sa darating na 5 taon, magkakaloob ang kanyang bansa ng 1 trilyong Japanese Yen (halos 8.7 bilyong dolyares) na tulong na kinabibilangan ng saklolo sa pagdedebelop ng pamahalaan at pamumuhunang di-pampamahalaan sa Pilipinas. Nagkaisa ng palagay ang kapuwa panig hinggil sa pagtatayo ng "magkasanib na komisyon ng kooperasyong pangkabuhayan at konstruksyon ng imprastruktura," para tulungan ang Pilipinas na itayo ang sariling subway.
Ayon sa ulat ng Yomiuri Shimbum ng Hapon, idinaos nang araw ring iyon ang seremonya ng paglagda ng dokumento hinggil sa pagkakaloob ng Hapon ng maliliit na high-speed vessel sa Coast Guard ng Pilipinas. Layon nitong ibayo pang palalimin ang relasyon ng dalawang bansa sa larangan ng seguridad at kabuhayan.
Salin: Vera