Linggo, Enero 15, 2017, sumakay sa tren sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Doris Leuthard ng Switzerland, mula Zurich papuntang Bern, kabisera ng Switzerland.
Sa kanilang biyahe, pinasalamatan ni Xi ang pagsalubong ni Leuthard. Nakahanda aniya siyang talakayin, kasama ni Leuthard at ng iba pang mga mataas na opisyal ng Switzerland, ang pagpapayaman sa nilalaman ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa, at pagpapahigpit sa pagkokoordinahan sa mga isyung pandaigdig.
Sianbi rin ni Xi na nakahanda ang pamahalaang Tsino na pasiglahin ang paglalakbay ng mga mamamayang Tsino sa Switzerland at pahigpitin, kasama ng Switzerland, ang kooperasyon sa winter sports.
Ipinahayag naman ni Leuthard na umaasa siyang sa pamamagitan ng pagdalaw ni Xi, mapapasulong ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan.
Sinang-ayunan nina Xi ang Leuthard ang pagpapahigpit ng kooperasyon ng dalawang bansa sa mga larangang gaya ng siyensiya, teknolohiya, inobasyon, komunikasyon, transportasyon, imprastruktura, malinis na enerhiya, at pamahalaang lokal.