Enero 16, 2017, sa Bern, kabisera ng Switzerland-magkasamang kinatagpo nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Doris Leuthard ng Switzerland ang mga kinatawang galing sa sektor na pangkabuhayan ng Switzerland.
Tinukoy ni Pangulong Xi na nitong 67 taong nakalipas sapul ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Switzerland, lumalalim ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan, lalo na sa pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan. Optimistiko aniya siya sa malusog at matatag na pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina sa hinaharap. Ito aniya'y hindi lamang magdudulot ng benepisyo sa mga mamamayang Tsino, kundi makakatulong din sa pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig. Umaasa aniya ang Tsina na magsisikap, kasama ng Switzerland para pasulungin ang bukas at pantay-pantay na pagtutulungang pangkabuhayang may mutuwal na kapakinabangan, at labanan ang trade protectionism.