|
||||||||
|
||
MAHIHIRAP ANG NAGHIHIRAP. Ani Rev. Marie Sol Villalon ng United Methodist Church, hirap silang mangalap ng salapi upang makabili ng kabaong sa mahihirap na napapaslang ng mga 'di kilalang tao. Ang mahihirap ay higit na nahihirapan, dagdag pa ng alagad ng simbahan. (Melo M. Acuna)
NANGANGAMBA si Rev. Marie Sol Villalon, isa sa mga nagtatag ng Rise Up for Life and for Rights na binubuo ng mga Metodista, Protestante at mga Katoliko na walang malapitan ang mga naulila ng pagpaslang sa ginagawang kampanya ng pamahalaan laban sa illegal drugs.
Ani Pastor Villalon, sila mismo ang nagbibigay ng kabaong sa tulong ng iba pang faith-based groups lalo na sa Caloocan City at mga kalapit pook. Nanawagan din siya sa kinauukulan na magkaroon ng tunay na pagsisiyasat sa mga insidente ng mga napapaslang ng walang dahilan tulad ng walang rasong pagpapaputok sa mga tahanan ng pinaghihinalaang sangkot sa illegal drugs.
Kanyang binanggit ang mga naganap sa Bagong Silangan ng Caloocan City na maraming nangangambang madamay sa mga pagpaslang. Mayroon umanong isang pamilyang pinaputukan at may nakaligtas na isa subalit 'di na makauwi sa pangambang dadamputin ng mga 'di kilalang armadong kalalakihan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |