NANINIWALA si Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate na ang ikatlong paghaharap ng pamahalaan at NDF sa comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms ay maaaring magtagumpay o mauwi sa breakdown.
Si Zarate na vice chairperson ng House Committee on Peace, Reconciliation and Unity, ay nasa Roma bilang bahagi ng House Observer delegation. Ang pinakadahilan kaya't hindi nagtatagumpay ang pag-uusap ng magkabilang-panig ay ang kawalan ng lupang masasaka, kawalan ng pambansang programa sa industrialisasyon at economic exploitation ng mayorya ng mga Filipino kaya't nauuwi sa "make or break phase."