DALA ni Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus "Jess" Dureza ang liham ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Pope Francis. Laman ng liham ang pagpapaabot ng kanyang pagkilala at paggalang sa pinuno ng higit sa isang bilyong Katoliko sa buong daigdig.
Umaasa si Secretary Dureza na personal niyang maiaabot ang liham sa Wednesday audience sa Vatican City.
Napapaloob sa liham ang pahayag na ginugunita ng mga Filipino ang makasaysayang pagdalaw sa Pilipinas noong Enero ng 2015 na nagpakita ng pagpapahalaga sa mga kasapi ng Simbahan.
Pinahahalagahan ng Pilipinas ang mainit na relasyon sa Holy See at kinikilala ng may pasasalamat ang pamumuno ng Santo Papa sa mga Katoliko sa buong daigdig, dagdag pa ni Pangulong Duterte sa kanyang liham.