Inilabas Biyernes, Enero 20, 2017 sa website ng White House ang target ng mga patakarang pangkabuhayan ni Pangulong Donald Trump ng Amerika sa kanyang termino.
Ang naturang mga target ay kinabibilangan ng pagdaragdag ng 25 milyong pagkakataon ng trabaho sa loob ng darating na 10 taon, pagsasakatuparan ng 4% paglaki ng GDP bawat taon, pagtiwalag sa Trans-Pacific Partnership Agreement (TPP) at pagsasagawa ng bagong talastasan hinggil sa kasunduan ng malayang kalakalan ng Hilagang Amerika.
Upang isakatuparan ang pagdaragdag ng hanap-buhay at paglaki ng kabuhayan, binabalak ni Trump na bawasan ang income tax ng mga indibiduwal at bahay-kalakal at mapadali ang sistema ng buwis.
Bukod dito, isasagawa ng Amerika ang mga mahigpit na hakbangin para mapangalagaan ang pagkakapantay-pantay ng kalakalan.