Ayon sa ulat kamakalawa, Biyernes, ika-13 ng Enero 2017, ng Wall Street Journal, nang kapanayamin kamakailan, ipinahiwatig ni President-elect Donald Trump ng Amerika, na may posibilidad na alisin ang pinakahuling sangsyon ng pamahalaan ni Pangulong Barack Obama laban sa Rusya.
Ayon sa ulat, ipinahayag ni Trump, na sa darating na ilang panahon, pananatilihin niya ang pinakahuling sangsyon ng Amerika laban sa Rusya. Pero aniya, kung maganda ang pakikitungo ng Rusya sa Amerika, at gaganap ang Rusya ng positibong papel sa paglaban sa terorismo, posible niyang aalisin ang naturang sangsyon.
Ipinahayag din ni Trump, na nauunawaan niya ang hangarin ng panig Ruso sa pagtatagpo ng mga lider ng dalawang bansa. Aniya, nakahanda siyang makipagtagpo kay Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, pagkaraang pormal na manungkulan bilang pangulo.
Salin: Liu Kai