Dumating kagabi, Enero 22, 2017 sa Beijing ang Delegasyong Pilipino para pabilisin ang mga komong palagay na narating ng mga Pangulo ng Tsina at Pilipinas noong Oktubre ng taong 2016.
Ipinahayag ni Carlos G. Dominguez, Puno ng Delegasyong Pilipino at Kalihim na Pinansiyal ng bansang ito, na umaasa siyang hihigpit ang mga kooperasyon ng Tsina at Pilipinas sa imprastruktura na gaya ng daambakal at koryente.
Ipinahayag naman ng opisyal ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na itatakda ng Tsina at Pilipinas ang plano ng kooperasyon sa loob ng darating na 6 na taon.
Aniya pa, sa abot ng makakaya, nakahanda ang Tsina na magkaloob ng mga tulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng Pilipinas.