Ipinatalastas kahapon, Lunes, ika-16 ng Enero 2017, ng Dalian Locomotive and Rolling Stock Co., Ltd. ng Tsina, na nasa poder na ng panig Pilipino ang lahat ng 48 light rail train, na ginawa ng kompanyang ito.
Ayon pa rin sa kompanyang ito, ang naturang 48 tren ay gagamitin sa Manila Light Rail Transit Line 3. Pagkaraang isaoperasyon ang lahat ng mga ito, tinatayang lalaki ng 67% ang transport capacity ng linyang ito, at iiksi sa dalawa at kalahating minuto ang pagitan ng takbo ng bawat tren. Inaasahang maiibsan ang sikip ng Line 3 tuwing rush hour.
Salin: Liu Kai