Sinabi Miyerkules, Enero 25, 2017 sa Kuala Lumpur ni Huang Huikang, Embahador Tsino sa Malaysia, na ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa ay tumatahak sa mabilis, malusog, matatag at komprehensibong landas ng pag-unlad.
Sa resepsyon bilang pagdiriwang sa 2017 Spring Festival o Chinese New Year, sinabi ni Huang na sa katatapos na taong 2016, mabunga ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa mga larangan na gaya ng pulitika, kabuhayan, kalakalan, kultura at seguridad.
Sinabi pa niyang ang Tsina ay pinakamalaking trade partner ng Malaysia nitong nagdaang 7 taong singkad at ang kooperasyon ng dalawang bansa ay pantay, at may mutuwal na kapakinabangan.