|
||||||||
|
||
Sinuspendi na ang search operation na magkakasamang isinagawa ng Malaysia, Australia, at Tsina sa Flight MH370 ng Malaysia Airlines. Ngunit ipinahayag ng pamahalaang Malay ang pagpapahintulot sa patuloy na paghahanap ng mga pribadong organisasyon o indibiduwal sa eroplanong ito. Bukod dito, bibigyan ng gantimpala ng mga awtoridad ang anumang organisasyon o indibiduwal na matutuklas sa mga labi ng eroplano.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Abdul Aziz Kaprawi, Pangalawang Ministro ng Komunikasyon ng Malaysia, na bago magsagawa ang sinuman ng paghahanap, kailangan munang ipagbigay-alam ito sa kanyang ministri. Kailangan din nilang isabalikat ang anumang gastos tungkol dito, aniya pa. Kung matutuklasan ang mga piraso ng MH370, saka lamang sila gagawaran ng gantimpala, dagdag pa ng opisyal Malaysian.
Nitong Martes, Enero 17, 2017, magkakasanib na ipinahayag ng nasabing tatlong bansa ang pansamantalang pagsuspendi sa search operation sa Flight MH370.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |