Itinanghal Sabado ng gabi, ika-14 ng Enero 2017, sa Kuala Lumpur, Malaysia, ang palabas na pansining na may pamagat na "Cultures of China, Festival of Spring." Ito ang unang bahagi ng serye ng palabas na ito sa Malaysia.
Sa kanyang talumpati sa palabas, ipinahayag ni Huang Huikang, Embahador ng Tsina sa Malaysia, na sa ilalim ng "Belt and Road" initiative, pinapalakas ang pagpapalitang pangkultura at pansining ng Tsina at Malaysia. Umaasa aniya siyang itatanghal ang mas maraming ganitong palabas, para ipakita sa mga mamamayang Malay ang makukulay na kultura at sining ng Tsina.
Salin: Liu Kai