Sa kanyang Twitter account, sinabi Huwebes, Enero 26, 2017, ni Pangulong Pena Nieto ng Mexico na hindi siya lalahok sa nakatakdang pakikipagtagpo kay Pangulong Donald Trump ng Amerika sa ika-31 ng buwang ito sa Washington D.C..
Samantala, ipinahayag niyang nakahanda ang kanyang bansa na isagawa ang kooperasyon sa Amerika para marating ang kasunduang may mutuwal na kapakinabangan.
Nauna rito, ipinahayag ni Pangulong Donald Trump na kung hindi babayaran ng Mexico ang mga pondo sa pagtatayo ng Amerika sa pader sa hanggahan ng dalawang bbansa, mas maganda ang pagkakansela ng nabanggit na pagtagpo ng mga pangulo ng dalawang bansa.