Ipinahayag Miyerkules, Enero 25, 2017 ni Pangulong Donald Trump ng Amerika na sisimulang itayo nito ang pader sa hanggahan sa Mexico sa loob ng darating na ilang buwan.
Nang kapanayamin siya ng American Broadcasting Corporation (ABC), sinabi ni Pangulong Trump na ang bayarin sa pagtatayo ng pader ay ilalaan muna ng pamahalaang Amerikano.
Nang araw ring iyon, nilagdaan niya ang dalawang executive order para pahigpitin ang gawaing panseguridad sa hanggahan at pangangasiwa sa mga migrante.
Ayon sa nabanggit na order, daragdagan ng Amerika ang mga tauhan para isagawa ang mas maraming pamamatrolya sa hanggahan sa Mexico.
Bukod dito, isinagawa ng Amerika ang mas mahigpit na hakbangin para mabawasan ang bilang ang mga iligal na migrante sa loob ng bansa.