NAGDUDUDA si Senador Leila de Lima sa takbo ng isip ni Pangulong Duterte. Ang banat umano ni G. Duterte sa pulis bilang isang tiwaling organisasyon at ang patuloy na pagtitiwala sa mga pulis sa kampanya laban sa droga ay magkalayo.
Sa isang press briefing, sinabi ni G. Duterte na aabot sa 40% ng mga pulis ang tiwali subalit sinabi rin niyang magpapatuloy ang pakikidigma sa illegal drugs hanggang sa 2022.
Ginawa ni Pangulong Duterte matapos lumabas na malaki ang pananagutan ng dalawang tauhan ng pulisya sa pagdukot at pagpaslang sa negosyante Koreanong kinilala sa pangalang Jee Ick Joo.
Ipinaliwanag ni Bb. De Lima na nababahala siya sa takbo ng isip ng pangulo kahit sa kanyang official pronouncements.