PORMAL na nagreklamo si Edgar Matobato sa Ombudsman laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at 27 iba pa sa pagkakasangkot sa sinasabing Davao Death Squad.
Si Matobato na nagsabing kasama ng Davao Death Squad ang nagrekalmo laban kay Pangulong Duterte sa pagpatay, pagdukot at paglaban sa Republic Act 9745 o Anti-Torture Act at paglabag sa Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide and Other Crimes Against Humanity.
Kasama sa inireklamo si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, PNP Director General Ronald dela Rosa at 25 iba pa.
Ang mga kaso ay ipinarating sa Ombudsman ng kanyang abogadong si Atty. Jude Sabio na nagsabing mas ginusto ni Edgar Matobato na huwag na munang magtungo sa Ombudsman sa pagpaparating ng reklamo.
Tumanggi si Ombudsman Conchita Carpio Morales na magpahayag sapagkat hindi pa niya nababasa ang reklamo.