Ipinahayag ni Michael Moller, Director-General ng United Nations Office at Geneva (UNOG) ang mataas na pagtasa sa papel ng Tsina bilang "catalyst" at "(one) showing the way forward" sa pagpapasulong ng pagtatatag ng mas magandang mundo.
Sa eksklusibong panayam sa Xinhua, opisyal na ahensya sa pagbabalita ng Tsina, pinapurihan ni Moller ang mga talumpati ni Pangulong Xi Jinping sa katatapos na World Economic Forum sa Davos at Palace of Nations sa Geneva.
Ipinagdiinan ni Moller na sa kasalukuyang mundo na kinatatampukan ng pagkakahiwa-hiwalay, komprontasyon, kahirapan at hamon dahil sa pagbabago ng klima, isyu ng migration, kakulangan sa likas na yaman at iba pa, mainit na tinatanggap ang mensahe ni Pangulong Xi.
Umaasa aniya siyang magagampanan ng Tsina ang mahalagang papel sa pagpapatupad sa Sustainable Development Goals at Paris Agreement on Climate Change, dalawang kasunduan na narating noong 2015.
Sa okasyon ng pagdiriwang ng Chinese New Year, ipinaabot din ni Moller ang pagbati ng manigong Taon ng Tandang para sa mga mamamayang Tsino.
Salin: Jade
Pulido: Mac