|
||||||||
|
||
Davos — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Martes, Enero 17, 2017, kay Klaus Schwab, Presidente ng World Economic Forum (WEF), ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sapul nang maitatag ang WEF, iginigiit nito ang diwa ng inobasyon, napapanatili ang kasiglahan ng pag-unlad. Isinusulong aniya ng WEF ang paglutas sa iba't-ibang uri ng problemang pandaigdig, at lumalakas nang lumalakas ang katayuan at impluwensiya nito.
Tinukoy ni Pangulong Xi na kasalukuyan, nagiging mas mayaman ang nilalaman ng kooperasyon ng Tsina at WEF, at nagiging mas mabunga rin ang kooperasyong ito. Sa ilalim ng pagpapahalaga at pagpapasulong ni Presidente Klaus Schwab, magiging mas mainam ang prospek ng kooperasyon ng Tsina at WEF, dagdag pa niya.
Ipinahayag naman ni Schwab na ibinibigay ng Tsina ang mahalagang pagkatig sa WEF. Nakahanda aniya ang WEF na palakasin ang partnership sa Tsina upang magkasamang mapasulong ang paglutas sa mga problema sa buong mundo.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |