|
||||||||
|
||
Davos — Sa kanyang pagdalo nitong Martes, Enero17, 2017 sa seremonya ng pagbubukas ng taunang pulong ng World Economic Forum (WEF) sa 2017, bumigkas si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng keynote speech na pinamagatang "Jointly Shoulder Responsibility of Our Times, Promote Global Growth." Ipinagdiinan niya na dapat buong tatag na pasulungin ang globalisasyong pangkabuhayan, isaayos nang mainam ang direksyon nito, likhain ang masigla at bukas na modelong pangkooperasyon, pantay at makatwirang modelo ng pagsasaayos, at balanseng modelo ng pag-unlad. Dapat din aniyang itatag ang ideya ng komunidad ng kapalaran ng sangkatauhan at magkakasamang magsikap upang mapasulong ang pag-unlad ng buong mundo.
Tinukoy ni Pangulong Xi na pagkaraan ng 38 taong reporma at pagbubukas sa labas, ang Tsina ay nagsisilbing ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig. Natamo aniya ng Tsina ang napakalaking tagumpay, sanhi nito'y pagtahak ng mga mamamayang Tsino sa isang landas ng pag-unlad na angkop sa kalagayang pang-estado ng Tsina sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Ang pagbuti nang malaki ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino ay nakakabuti hindi lamang sa Tsina, kundi maging sa buong daigdig, aniya pa.
Binigyang-diin din niya na ang pag-unlad ng Tsina ay pagkakataon para sa daigdig. Ang Tsina aniya ay hindi lamang beneficiary, kundi maging contributor ng globalisasyong pangkabuhayan. Ang mabilis na paglaki ng kabuhayang Tsino ay nagkakaloob ng sustenable at malakas na puwersang tagapagpasulong sa katatagan at paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Tinukoy ni Pangulong Xi na nitong mahigit 3 taong nakalipas sapul nang ilabas ang mungkahing "Belt and Road" Initiative, nakuha nito ang positibong reaksyon ng mahigit 100 bansa't organisasyong pandaigdig. Mahigit 40 bansa't organisasyong pandaigdig ay nakipaglagda ng kasunduang pangkooperasyon sa Tsina. Walang humpay aniyang lumalawak ang "Friend Circle" ng nasabing inisyatiba. Mahigit 50 bilyong dolyares ang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino sa mga bansa sa kahabaan nito, bagay na nakakapagpasigla sa pag-unlad ng kabuhayan ng iba't-ibang bansa, at nakalikha ng napakaraming pagkakataon ng trabaho.
Idineklara ni Xi na sa darating na Mayo, itataguyod ng Tsina ang Belt and Road forum para sa kooperasyong pandaigdig sa Beijing upang magkakasamang talakayin ang kooperasyon at itatag ang platapormang pangkooperasyon. Layon nito aniyang hanapin ang kalutasan sa mga problemang kasalukuyang kinakaharap ng kabuhayang panrehiyon at pandaigdig.
Halos 50 lider o opisyal ng mga bansa, at halos 1,700 personahe mula sa sirkulong pulitikal, industriyal at komersyal, akademiko, at media, ang dumalo sa nasabing taunang pulong ng WEF.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |