Sa kanilang pag-uusap sa telepono gabi ng Martes, Enero 31, 2017, napagkasunduan nina Mohammed bin Salman Al Saud, Ministro ng Depensa ng Saudia Arabia at kanyang counterpart na Amerikano na si James Mattis, na palalakasin ang estratehikong pagtutulungan hinggil sa tanggulang-bansa.
Ipinahayag ni Kalihim Mattis ang kahandaan ng Amerika na makipagtulungan sa Saudi Arabia sa iba't ibang larangang panseguridad, lalong lalo na sa pakikibaka laban sa terorismo at pagpapanumbalik ng katatagan ng rehiyon.
Ipinahayag naman ni Ministro Mohammed ang pananabik sa paglahok ng Amerika sa pagbibigay-dagok sa terorismo at pamimirata sa rehiyon.
Salin: Jade
Pulido: Mac