Sinimulan kamakailan ng Confucius Institute at Angeles University Foundation ng Pilipinas ang 4 na klase sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa Malacañang, at tanggapan nito sa Quezon City.
Isinalaysay nitong Huwebes, ika-2 ng Pebrero 2017, ni Zhang Shifang, Chinese Director ng naturang Confucius Institute, na ang naturang mga klase ay para sa mga tauhan ng PCOO at mga kawanihan sa ilalim nito. Hanggang sa kasalukuyan, 127 tauhan ang kalahok sa mga ito. Dagdag ni Zhang, batay sa pangangailangan ng PCOO, ginawa nila ang espesyal na programa. 4 na oras ang mga leksyon bawat linggo, at ang mga leksyon ay tungkol sa wikang Tsino, tradisyonal na kulturang Tsino, kasalukuyang kalagayan ng Tsina, at iba pa.
Nauna rito, nilagdaan ng PCOO at Confucius Institute at Angeles University Foundation ang kasunduan hinggil sa pagbubukas ng naturang mga klase. Ipinahayag ng kapwa panig, na ito ay para pasulungin ang pag-uunawaan at pagtutulungan ng Pilipinas at Tsina.
Salin: Liu Kai