Ayon sa Manila Standard Today, Enero 25, 2017, bumisita kamakailan sa Beijing si Carlos Dominguez III, Kalihim ng Kagawaran ng Pananalapi ng Pilipinas. Umaasa ang panig Pilipino na magtatamo ng pondo mula sa panig Tsino, para sa kanilang 40 proyekto ng imprastruktura. Ayon pa sa pahayagan, sinang-ayunan ng dalawang panig ang isasagawang talakayan sa mga detalye ng usaping ito, sa Manila, sa darating na Pebrero.
Ayon pa sa ABS-CBN, pagkaraan ng pagdalaw ni Sec.Dominguez sa Beijing, ipinatalastas na ng Tsina na bibigyan ang Pilipinas ng 3.7 bilyong dolyares para sa mga proyekto ng pagbawas sa kahirapan ng bansang ito.