HINIRANG ni Pope Francis si Daet Bishop Gilbert Garcera bilang Arsobispo ng Lipa sa Batangas. Siya ang papalit kay Arsobispo Ramon Cabrera Arguelles na nagbitiw sa edad na 72 taong kahapon.
Naglingkod si Arsobispo Arguelles sa Lipa sa nakalipas na halos 13 taon. Isang aktibong nangangampanya laban sa pagmimina at iba pang problemang pangkalikasan sa lalawigan. Mayroong halos tatlong milyong Katoliko sa Batangas.
Si Arsobispo Garcera, 58 taong gulang ay hinirang na obispo ni Pope Benedict XVI. Itinalaga siya sa Daet sa Lalawigan ng Camarines Norte.
Isinilang sa Magarao, Camarines Sur noong 1959, nag-aral siya sa Holy Rosary Seminary sa Naga City. Naglingkod din siya bilang Assistant Secretary General ng Catholic Bishops Conference of the Philippines at pinuno ng CBCP Commission on Family and Life. Namuno rin siya sa Pontifical Mission Society at naging kasapi ng Superior Council of the Pontifical Mission Societies sa Roma mula 2004 hanggang 2007.