|
||||||||
|
||
DINALA na sa Campo Crame ang pitong pulis na sangkot sa pangingikil sa tatlong Koreano at isinailalim na sa restrictive custody. Kinilala na ang pitong pulis na nahaharap sa kidnapping for ransom at robbery. Nakarating ang grupo sa Crame sampung minuto bago sumapit ang ikalawa ng hapon kanina.
Dinala ang mga pulis sa Personnel Holding and Accounting Unit ng Headquarters Support Service upang matiyak na makahaharap sa oras na imbestigasyon at maiwasang makialam sa takbo ng kanilang usapin.
Babawiin na rin ng pulisya ang kanilang mga sandata.
Ayon sa isang police report, noong ika-30 ng Disyembre, mga ika-anim at kalahati ng gabi, sina Min Hoon Park, Lee Kin Hun at Lee Jun Hyung ay dinukot sa kanilang tahanan sa Apo Street, Friendship Plaza. Nagpakilala ang pito bilang mga pulis.
Dinala sila sa Angeles City Police Station 5 at doon binugbog. Inutusan din ang mga Koreano na magbigay ng P 300,000 upang makalaya.
Ang mga biktima na umuwi na sa Korea at nagsumbong sa Korean Embassy na lumiham kay Deputy Director General Francisco Uyami, Jr. Ipinarating ang reklamo sa PNP Region 3. Bumalik sa Pilipinas si Lee Kin Hyun sa noong Martes upang ituloy ang reklamo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |