IBINALITA ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate na dinakip ng Task Force Davao si Ariel Arbitrario, consultant ng National Democratic Front sa isang checkpoint sa Davao City.
Sinabi ni Congressman Zarate na nakapagpiyansa si Arbitrario at nasabihan na rin ang mga nasa panig ng pamahalaan. Umaasa umano ang mambabatas na malulutas kaagad ang pangyayaring ito.
Sinabi naman ng Eastern Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines na nadakip si Arbitrario kasama ang isang Roderick Mamuyac na akusado ng pagpatay. Si Arbitrario umano ay secretary ng guerilla front na dinakip muli sapagkat paso na ang piyansa.
Si Mamuyac naman ay liaison officer ng New People's Army Southern Regular Committee.