Nag-usap sa telepono Sabado, Enero 28, 2017 sina Pangulong Donald Trump ng Amerika at Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon para talakayin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa at mga isyung panrehiyon.
Ayon sa pahayag ng White House, inulit ni Pangulong Trump ang pangako ng Amerika sa katiwasayan ng Hapon.
Bukod dito, buong pagkakaisang ipinahayag ng mga lider ng dalawang bansa na palalalimin ang bilateral na kalakalan at pamumuhunan at isagawa ang kooperasyon sa isyung nuklear ng Korean Peninsula.
Pagkatapos ng pag-usap, ipinhayag ni Shinzo Abe na iniharap niya kay Donald ang kahalagahan ng kaalyadong relasyon ng dalawang bansa.
Bukod dito, sinabi ni Koichi Hagiuda, Deputy Chief Cabinet Secretary ng Hapon, na sa kanilang pag-usap sa telepono, buong pagkakaisang ipinalalagay nina Shinzo Abe at Donald Trump na mahalaga ang relasyong pangkabuhayan ng dalawang bansa.