Kaugnay ng ranking ng Thailand sa "World Intellectual Property Rights (IPR) Index" na inilabas nitong Miyerkules, Pebrero 8, 2017, ng American Chamber of Commerce, iniharap kamakailan ng Thailand IPR Bureau ang pagtutol tungkol dito. Anito, ang nasabing ranking ay hindi nagpapakita ng bunga ng pagsisikap ng Thailand. Sa nasabing listahan, nasa ika-40 puwesto ang Thailand sa puntong 9.35 sa 45 ekonomiya. Ang Amerika, Britanya, at Alemanya ay magkakahiway na pumuwesto sa unang tatlo.
Ipinalalagay ng Thailand na hindi lubos na isinasaalang-alang ng American Chamber of Commerce ang ginagawang pagsisikap ng Thailand sa aspekto ng pangangalaga sa IPR.
Salin: Li Feng