Ayon sa ulat na inilabas kahapon, Marso 16, 2016 ng World Intellectual Property Organization (WIPO), nananatiling malakas ang tunguhin ng paglaki ng Tsina sa pagrerehistro at pagkuha ng mga pandaigdigang patent at trademark noong taong 2015.
Ayon as datos ng Patent Cooperation Treaty (PCT), ang bilang ng mga aplikasyon ng Tsina sa pandaigdigang patent ay umabot sa 29846 na lumaki ng 16.8% kumpara sa taong 2014. Ang bilang na ito ay nasa ika-3 puwesto sa buong daigdig na sumusunod sa Amerika at Hapon.
Sa top 20 bahay-kalakal sa buong daigdig na may pinakamalaking bilang ng aplikasyon ng mga pandaigdigang patent, may 4 na bahay-kalakal ang Tsina na gaya ng Huawei Technologies Co., Ltd, Zhongxing Telecom Co Ltd (ZTE), JD.COM at Tencent. At ang Huawei ay nasa unang puwesto sa mga bahay-kalakal sa buong daigdig.
Kaugnay nito, sinabi ni Chen Hongbing, Direktor ng Tanggapan ng WIPO sa Tsina, na ang mga natamong bunga ng Tsina sa inobasyon ay nagmula sa paggigiit ng pamahalaang Tsino sa ideya at estratehiya ng pag-unlad sa pamamagitan ng inobasyon.
Sinabi rin ni Chen na hinangaan ng WIPO ang mabilis na pag-unlad ng Intellectual Property Rights (IPR) ng Tsina. Naniniwala aniya siyang gaganap ang IPR ng mas malaking papel sa pag-unlad ng Tsina sa hinaharap.
Salin: Ernest