|
||||||||
|
||
Manila — Bumisita nitong Lunes, Pebrero 13, 2017, ang delegasyon ng China Radio International (CRI) na pinamumunuan ng Presidente nitong si Wang Gengnian, kay Zhao Jianhua, Embahador ng Tsina sa Pilipinas. Nagpalitan sila ng kuru-kuro tungkol sa kung paanong isasagawa ang kooperasyon ng mga mediang Tsino at Pilipino para mapalalim ang pag-uunawaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Sina Presidente Wang Gengnian (sa kaliwa) ng CRI at Embahador Zhao Jianhua (sa kanan) ng Tsina sa Pilipinas
Inilahad ni Wang ang gagawing paglalagda nila ng Presidential Communications Operation Office (PCOO) ng Malacanang at mga media ng pamahalaan sa mga kasunduang pangkooperasyon. Aniya, ang paglalagda ng nasabing mga kasunduan ay magsasakatuparan sa bungang natamo ng state visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina noong isang taon. Layon din nitong pasulungin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng mga mediang Tsino at Pilipino, dagdag pa niya.
Ipinahayag naman ni Zhao na makaraang isagawa ni Pangulong Duterte ang naturang biyahe sa Tsina at mapahupa ang tensyon sa relasyong Sino-Pilipino, ang biyaheng ito ng delegasyon ng CRI ay unang Chinese media delegation sa Pilipinas. Aniya, ang kooperasyon ng CRI at mga opisyal na media ng Pilipinas ay makakapagpatingkad ng positibong papel para sa relasyon ng dalawang bansa, at makakapagpalalim ng pag-uunawaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ayon sa ulat, lalagdaan ngayong hapon ng CRI delegation, PCOO, at mga mediang Pilipino tulad ng PTV, Radyo ng Bayan (RNB), at Philippine News Agency (PNA), ang kasunduang pangkooperasyon.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |