Nakipagtagpo kahapon, Martes, ika-20 ng Disyembre 2016, sa Vientiane, Laos, si Borsengkham Vongdara, Ministro ng Impormasyon, Kultura, at Turismo ng Laos, kay Ma Bohui, Deputy Editor-in-Chief ng China Radio International (CRI).
Hinahangaan ng Lao official ang 10-taong pagsasaoperasyon ng CRI Vientiane FM radio channel. Ito aniya ay modelo ng kooperasyon sa media ng Laos at Tsina, at napapasulong nito ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.
Pinasalamatan naman ng CRI Deputy Editor-in-Chief ang pamahalaang Lao sa pagkatig at pagkilala nito sa Vientiane FM channel. Aniya, patuloy na magbibigay-ambag ang CRI sa pagpapalalim ng pagkakaibigan ng Tsina at Laos.
Salin: Liu Kai