|
||||||||
|
||
Civilian War Memorial
Sa harap ng Civilian War Memorial, sentrong panlunsod ng Singapore, idinaos nitong Miyerkules, Pebrero 15, 2017, ng Singapore Chinese Chamber of Commerce ang aktibidad bilang paggunita sa mga napaslang na sibilyan noong panahon ng pananakop sinakop ng Hapon. Ang Pebrero 15 din ay "Total Defense Day" ng Singapore.
Nagbigay-galang ang mga panauhin sa mga napaslang na sibilyan noong panahon ng pananakop ng Hapon
Dumalo sa aktibidad si Chen Xiaodong, Embahador ng Tsina sa Singapore
Ipinahayag ni Grace Fu Hai Yien, Minister of Culture, Community and Youth (MCCY) ng Singapore, sa panayam ang pag-asang sa pamamagitan ng pagdaraos ng nasabing aktibidad bawat taon, maididiin sa mga mamamayan nito, partikular na sa mga kabataan, ang kahalagahan ng pagtatanggol ng bansa. Aniya, ang pagtatanggol ng bansa ay responsibilidad ng bawat tao.
Dumalo sa aktibidad ang mga batang kinatawan ng Singapore
Noong Pebrero 15, 1942, sinalakay ng Hapon ang Singapore, at tumagal ang pananakop ng tatlong (3) taon. Ayon sa di-ganap na estadistika, noong panahon ng pananakop ng Hapon sa Singapore, di-kukulangin sa 50 libong Singaporean Chinese ang namatay.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |